Matitikas na varsity hoops pararangalan ngayon
(Pilipino Star Ngayon) - January 25, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Pararangalan ang mga natatanging collegiate basketball stars at personalities ngayong gabi sa gaganaping University Athletic Association of the Philippines-National Collegiate Athletic Association Press Corps Collegiate Basketball Awards sa Saisaki-Kamayan sa Greenhills.

Nangunguna sa listahan ang Collegiate Mythical Five na binubuo nina Kiefer Ravena ng Ateneo de Manila University, Mac Belo ng Far Eastern University, Kevin Ferrer ng University of Santo Tomas, Scottie Thompson ng University of Perpetual Help System Dalta at Allwell Oraeme ng Mapua Institute of Technology.

Ibibigay naman ang Coach of the Year awards kina Nash Racela na dinala ang FEU sa kampeonato sa UAAP at Aldin Ayo na siya namang nagmando upang makuha ng Letran ang korona sa NCAA.

Gagawaran naman si  le­gendary coach Aric del Rosario ng Lifetime Achievement Award habang bibigyan ng Super Senior honors sina Baser Amer ng San Beda College, Mark Cruz ng Letran at Mike Tolomia ng FEU.

Ang Pivotal Player award ay mapupunta kina Roger Pogoy ng FEU at Kevin Racal ng Letran habang tatanggap ng Impact Player awards sina Arthur dela Cruz ng San Beda at Ed Daquioag ng UST.

Hihiranging Accel Court Ge­neral si Jiovanni Jalalon ng Arellano at Gatorade Energy Player awardee naman si Jeron Teng ng De La Salle University.

 

ACIRC ALDIN AYO ALLWELL ORAEME ANG PIVOTAL PLAYER BASER AMER COACH OF THE YEAR COLLEGIATE MYTHICAL FIVE DE LA SALLE UNIVERSITY ED DAQUIOAG FAR EASTERN UNIVERSITY LETRAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with