Patrombon-Wang tandem sibak na rin
(Pilipino Star Ngayon) - January 20, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Bigo sina Filipino Jeson Patrombon at Taiwanese Jimmy Wang sa doubles event ng $75,000 ATP Challenger Philippine Open 2016 kahapon sa Rizal Memorial Tennis Center.

Lumasap sina Patrombon at Wang ng 3-6, 1-6 kabiguan sa kamay nina second-seeded Johan Brunstrom ng Sweden at Frederik Nielsen ng Denmark sa first round ng torneong may nakalaang $10,800 para sa singles champion at $4,650 para sa doubles winner.

Nauna nang yumuko si Patrombon kay fifth seed Kimer Coppejans ng Belgium, 2-6, 2-6  sa opening round ng singles.

“Magandang experience ito para sa akin dahil marami akong natututunan. Masuwerte kami na makapaglaro sa ganito kalaking event,” pahayag ni Patrombon na dating quarterfinalist sa Australian Open juniors singles.

Magtatangka rin sa kani-kanilang doubles games sina Australian Open juniors doubles champion Francis Casey Alcantara at Davis Cup veteran Ruben Gonzales.

Kapares ni Alcantara si Indonesian Christopher Rungkat kung saan haharapin nila sina No. 1 Ilija Bozoljac ng Serbia at Andreas Siljestrom ng Sweden habang makakasama naman ni Gonzales sa kampanya si Darren Walsh ng Great Britain na makakatipan sina South Africa netters Dean O’Brien at Ruan Roelofse.

ANDREAS SILJESTROM AUSTRALIAN OPEN CHALLENGER PHILIPPINE OPEN DARREN WALSH DAVIS CUP DEAN O FILIPINO JESON PATROMBON FRANCIS CASEY ALCANTARA FREDERIK NIELSEN GREAT BRITAIN PATROMBON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with