Valdez, Abueva at Romeo pararangalan sa PSA
(Pilipino Star Ngayon) - January 20, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Tatlong kilalang personalidad sa larangan ng volleyball at basketball ang kabilang sa mga pararangalan sa Philippine Sportswriters Association Annual Awards Night na gaganapin sa Pebrero 13 sa One Esplanade sa Pasay City.

Ito ay sina volleyball superstar Alyssa Valdez, at basketball heroes Calvin Abueva at Terrence Romeo na bibigyan ng pagkilala matapos ang kontribusyon sa kani-kanilang disiplina.

Makakasama nina Valdez, Abueva at Romeo sa spot light sina Athletes of the Year Nonito Donaire, Donnie Nietes at Miguel Tabuena.

Ito ang ikatlong sunod na pagkakataon na papa­ngalanan si Valdez bilang Ms. Volleyball habang sina Abueva at Romeo ay gagawaran ng Mr. Basketball.

Bahagi sina Abueva at Romeo ng Gilas Pilipinas na nakasungkit ng silver medal sa 2015 FIBA-Asian Men’s Championship na ginanap sa Changsa, China.

Ang 22-anyos na si Valdez naman ay miyembro ng Pambansang koponan na sumabak sa Asian Women’s U-23 Volleyball Championship at sa 28th Southeast Asian Games.

Tinulungan din ni Valdez ang Ateneo de Manila University na makuha ang back-to-back crowns sa University Athletic Association of the Philippines habang makailang ulit din itong naging Most Va­luable Player sa Shakey’s V-League sa nakalipas na taon.

Kasama rin sa honor roll ang Gilas Pilipinas 3.0 na bibigyan ng President’s Award habang papangalanan din ang Executive of the Year, National Sports Association of the Year, Lifetime Achievement Award at Posthumous.

Kikilalanin din ang kabayanihan ng lahat ng gold medalists sa 28th Southeast Asian Games na ginanap sa Singapore gayundin ang mga kabataang atleta na nagpamalas ng husay sa mga international competitions para sa ka­tegoryang Tony Siddayao at Milo Outstanding Athletes (boys at girls).

Ang PSA Awards Night ay suportado rin ng Milo San Miguel Philippine Sports Commission, Philippine Basketball Association (PBA), Accel, Rain or Shine, Globalport at Philippine Amusement and Gaming Corp.

ABUEVA ACIRC ALYSSA VALDEZ ANG ASIAN MEN ASIAN WOMEN ATHLETES OF THE YEAR NONITO DONAIRE AWARDS NIGHT GILAS PILIPINAS SOUTHEAST ASIAN GAMES VALDEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with