Condura Skyway Run sa Pebrero 7
(Pilipino Star Ngayon) - January 10, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Higit sa 15,000 mana­nak­bo ang inaasahang la­lahok sa  Condura Skyway Marathon 2016 Run For a Hero na pakakawalan sa Pebrero 7.

Mag-uumpisa ang be­nefit race sa ganap na alas-12 ng umaga sa Filinvest City, Alabang.

Kagaya noong nakaraang taon, ilalaan ng Condura ang pondong malilikom sa HERO (Help Educate and Rear Orphans) Foun­da­tion na nagbibigay tulong pinansiyal sa mga anak ng mga sundalong namatay habang nakikipagdigmaan o  nagtamo ng kapansanan “in the line of duty.”

Noong isang taon ay nagbigay ng P1 milyon ang Condura sa HERO Foundation at umaasang matatapatan nila ito nga­yong 2016.

Ang mga nais sumali o nais tumulong ay maaa­ring magrehistro  online sa www.conduramarathon.com gamit ang prepaid card na mabibili sa mga su­musunod na outlet ng ASICS:  Greenbelt 3 sa Ma­kati City,  Bonifacio High Street sa Taguig City, Trinoma Mall sa Quezon  City; Centrio Mall sa Cagayan de Oro City; Ayala Fairveiw  Terraces sa Quezon City, at Ayala Center sa Cebu City.

Ang entry fee ay  P900 para sa 6K race, P1,000 para sa 10K, P1,700 para sa 21K at P2,000 para sa 42K full marathon.

Ang karerang ito ay ita­takbo sa pakikipagtulu­ngan sa  ASICS at suportado ng  Summit Natural Drinking Water, Gatorade, Filinvest City Alabang, Inc., LTime Studio, Blue Ant, Salonpas, GoPro, Urban Ashram at The Bellevue Manila

Para sa kumpletong de­talye, ay maaring bumi­sita sa www.conduramarathon.com.

ACIRC ANG AYALA CENTER AYALA FAIRVEIW BELLEVUE MANILA BLUE ANT BONIFACIO HIGH STREET CEBU CITY CITY NBSP SHY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with