Lawler naidepensa ang UFC crown
(Pilipino Star Ngayon) - January 3, 2016 - 9:00am

LAS VEGAS -- Sa ikalawang sunod na pagkakataon ay matagumpay na naipagtanggol ni Robbie Lawler ang kanyang hawak na Ultimate Fighting Championship welterweight title.

Ito ay makaraang talunin ni Lawler si Carlos Condit via split decision sa UFC 195 dito sa MGM Grand Garden.

Tumanggap ang 33-anyos na si Lawler, may dugong Pinoy, ng 48-47 points sa dalawang judges para sa ikalawang sunod na pagdedepensa niya sa titulo matapos talunin si Rory MacDonald sa UFC 189 noong Hulyo.

Ang atake ng tinaguriang “Ruthless” kay Condit sa fifth round ang sinasabing nagpanalo sa kanya.

Pinaganda ni Lawler ang kanyang win-loss record sa 27-10, habang may 30-9 card naman ang 31-anyos na si Condit.

ANG CARLOS CONDIT CONDIT GRAND GARDEN HULYO ITO LAWLER PINAGANDA PINOY ROBBIE LAWLER ULTIMATE FIGHTING CHAMPIONSHIP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with