^

PSC sasalain na ang NSAs na bibigyan ng pondo

(Pilipino Star Ngayon) - January 1, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Prayoridad ng Philippine Sports Commission (PSC) na bigyan ng pondo ang mga national sports associations (NSAs) na naghahandang sumabak  sa ilang Olympic qualifying tournaments sa taong ito.

Subalit nais muna ng PSC na magsumite ang mga NSAs ng ulat sa kani-kanilang kampanya noong 2015 upang madetermina ang mga asosasyon na may magandang prog­rama at nakapagbigay n­g karangalan sa bansa.

Desidido ang PSC na magpatupad ng mahigpit na patakaran upang masiguro na nagagastos sa tama ang pondong ibinibigay ng gobyerno.

“We want to identify which NSAs are perfor­ming and which are not. We’ll check now kung sino ang popondahan namin. Kung walang report eh, sandali, mag-report kayo. Kung meron, meron pero kung walang report, eh magi­ging mabigat ang kamay ko pumirma ng tseke,” ani PSC Chairman Ricardo Garcia.

Maliban sa Asiad, nais ni Garcia na alamin ang mga resulta ng mga inter­national competitions at training camps na nilahukan ng ilang NSAs na pinondohan ng PSC.

Ang Pilipinas ay galing sa masaklap na kampanya sa 2015 SEA Games sa Singapore kung saan nakapagbulsa lamang ito ng 29 ginto, 36 pilak at 66 tansong medalya sapat para sa ikaanim na puwesto.

ACIRC ANG ANG PILIPINAS ASIAD CHAIRMAN RICARDO GARCIA DESIDIDO GARCIA MALIBAN PHILIPPINE SPORTS COMMISSION PRAYORIDAD SUBALIT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with