SBP kinabog ang buong mundo sa planong idaos sa Pinas ang 2019 World Cup
Beth Repizo-Meraña (Pilipino Star Ngayon) - December 29, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Isa pang malaking kaganapan sa palakasan na umani ng atensyon sa buong mundo ay ang plano na isagawa ang 2019  FIBA World Cup sa Pilipinas.

Umusok ang mga mensahe ng pagsuporta sa social media sa itinulak ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa pa­ngunguna ng pangulo na si Manny V. Pangilinan, na dalhin ang pinakaprestihiyosong palaro sa basketball.

Pinakamalaking edis­yon ng World Cup ang mangyayari sa 2019 dahil nasa 32 bansa ang lalahok mula sa dating 24 nas­yon.

Hindi lamang mga Fi­lipino kungdi pati ang mamamayan ng ibang bansa ay nagpadala ng mensahe matapos makita kung gaano kamahal ng mga Pinoy ang basketball.

May malakas man na puwersa ng suporta ay binigyan ng diin ng FIBA Central Board ang mga nakatayong pasilidad at malawak na karanasan na makapagtaguyod ng mala­laking kompetisyon sa pa­lakasan tulad ng Olympics, Asian Games at  World Championships, na taglay ng China para sa kanila ipagkaloob ang hosting.

Nabigo man ay hindi naman maiaalis sa kasaysayan ng world basketball na ang Pilipinas ang naging kauna-unahang bansa sa Asya na nagdaos ng ganitong kompetisyon sa basketball.

Ito ay nangyari noong 1978 sa Araneta Coliseum at ang China ay lalabas na pangatlong bansa lamang sa rehiyon na magiging punong abala kasunod ng Japan noong 2006.

ACIRC ANG ARANETA COLISEUM ASIAN GAMES ASYA CENTRAL BOARD MANNY V PILIPINAS SAMAHANG BASKETBOL WORLD CHAMPIONSHIPS WORLD CUP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with