_ngayon
^

PSN Palaro

Sinibak ang Lyceum TIP pasok na sa Elite 8

Pilipino Star Ngayon

TANAUAN CITY, Ba­tangas, Philippines – Pinaluhod ng Technological Institute of the Philippines ang Lyceum Northwestern University, 86-67, para kumuha ng silya sa main tournament ng National Collegiate Championship kahapon dito sa Faith Gym.

Umiskor si Jorey Napoles ng 12 points kasunod ang tig-10 nina Niño Ibañes at Terrence Tumalip para igiya ang Engineers sa Elite Eight ng annual tournament na inorganisa ng Philippine Collegiate Champions League.

Nauna nang tinalo ng TIP ang Mapua, 70-64, noong Martes at ang St. Clare Saints, 62-51, sa kanilang TIP Casal Gym sa Quiapo, Manila para itakda ang kanilang banggaan ng Lyceum na nanguna sa North Luzon qualifiers sa Dagupan, Pangasinan.

Makakasama ng TIP sa Elite Eight ang UAAP champion Far Eastern U, NCAA titlist Letran, NCAA runner-up at defending champion San Beda, UAAP second placer Santo Tomas University, CESAFI title-holder University of San Carlos at Vis-Min qualifier winner University of the Visayas.

ANG ATILDE CASAL GYM ELITE EIGHT FAITH GYM FAR EASTERN U JOREY NAPOLES LYCEUM NORTHWESTERN UNIVERSITY NATIONAL COLLEGIATE CHAMPIONSHIP NORTH LUZON PHILIPPINE COLLEGIATE CHAMPIONS LEAGUE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with