National Age Group taekwondo tourney sisipa sa December 5-6
(Pilipino Star Ngayon) - December 2, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Halos 1,500 taekwondo practitioners ang inaasahang sasabak sa 2015 MERALCO/MVP National Age Group (free sparring) at PLDT Home ULTERA (poomsae) championships sa December 5-6 sa Ninoy Aquino Stadium.

Ayon kay Organizing Committee Chairman Sung Chon Hong, itatampok sa event ang pag-unlad ng taekwondo sa bansa kung saan nabibigyan ng pagkakataon ang mga batang atleta na maipakita ang kanilang talento.

“The participation of youngsters has enabled our organization (PTA) to support the country’s grassroots program,” wika ni Hong.

Ang mga entries sa free sparring competition ay ikakategorya sa Novice at Advance na may tatlong divisions sa ilalim ng Juniors, Cadet at Gradeschool (male and female).

Magsisimula ang mga kompetisyon sa ganap na alas-9 ng umaga.

ACIRC ANG AYON FREE GRADESCHOOL HONG MAGSISIMULA MGA NATIONAL AGE GROUP NINOY AQUINO STADIUM ORGANIZING COMMITTEE CHAIRMAN SUNG CHON HONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with