^

PSN Palaro

Diniskaril ang road Warriors Batang Pier umentra sa quarters

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sinabi ni Globalport coach Pido Jarencio na kailangan nilang humiwalay sa NLEX para makamit ang ikatlong quarterfinals berth.

Hindi naman siya binigo ng kanyang mga pla­yers, lalo na sina Terrence Romeo at Fil-Am Stanley Pringle, matapos talunin ng Batang Pier ang Road Warriors, 96-90, sa 2015 PBA Philippine Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Umiskor si Romeo ng 29 points, samantalang nagdagdag si Pringle ng 27 markers para sa ikalawang sunod na panalo ng Globalport (5-3) at solohin ang ikaapat na puwesto.

“Sabi ko sa kanila kaila­ngan natin ng separation,” wika ni Jarenco.

“Sabi ko huwag intindihin ‘yung nasa itaas. Ang target namin is No. 3, 4, 5 o 6 para sa twice-to-beat.”

Nalasap naman ng NLEX ang kanilang pa­ngalawang dikit na kabiguan para sa 4-4 baraha kasosyo ang Barangay Ginebra sa pang-limang posisyon.

Ipinoste ng Batang Pier ang 19-point lead, 54-35, sa halftime hanggang makalapit ang Road Warriors sa 70-77 sa pagsasara ng third quarter.

Isinalpak ni Romeo ang dalawang free throws mula sa foul ni Jonas Villanueva sa nalalabing 2.5 segundo para tuluyan nang selyuhan ang panalo ng Globalport.

Binanderahan ni Asi Taulava ang NLEX sa kanyang 29 points kasunod ang 17 ni Anthony at 10 ni Villanueva.

Kasalukuyang nag­la­­laban ang San Miguel Beer at Mahindra kung saan pakay ng Beermen na masikwat ang unang semifinals seat habang sinusulat ito.

Samantala, pupuntir­yahin ng Alaska ang ikapitong panalo at puwesto sa semis sa pakikipaglaban sa Meralco Bolts sa pagpapatuloy ng aksyon na lilipat sa Mall of Asia Arena ngayon.

Hawak ang 6-1 baraha, sasagupain ng Aces ang Meralco Bolts sa alas-7 ng gabi matapos ang upakan ng Barako Bull at Talk ‘N Text sa alas-5.

Globalport 96 - Romeo 29, Pringle 27, Jensen 14, Mamaril  9, Kramer 7, Wa­shington 6, Pena 2, Sumang 2, Maierhofer 0, Semerad 0, Taha 0, Yeo 0.

NLEX 90 - Taulava 29, Anthony 17, Villanueva J. 10, Alas 9, Cardona 8, Villanueva E. 8, Khobuntin 5, Enciso 2, Lanete 2, Arboleda 0, Borboran 0, Reyes 0.

Quarterscores: 24-16; 53-35; 77-70; 96-90.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ASI TAULAVA

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA

BATANG PIER

FIL-AM STANLEY PRINGLE

GLOBALPORT

MERALCO BOLTS

ROAD WARRIORS

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with