^

PSN Palaro

Aces nakauna sa quarterfinals

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa kabila ng pagsikwat ng Alaska sa unang quarterfinals berth at pagsosolo sa liderato ay hindi masyadong nagdiwang si American coach Alex Compton.

Ito ay dahil sa napa­ka­walan ng Aces ang ipinosteng 20-point lead sa third period nang bumagsak ang kanilang depensa sa fourth quarter kaya nakadikit ang Road Warriors.

“We talked about we needed, a defensive mindset this game. I wasn’t happy about our decisions in the fourth quarter,” sabi ni Compton matapos kunin ng Alaska ang 89-81 panalo laban sa NLEX sa 2015 PBA Philippine Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Umiskor si Sonny Thoss ng 16 points para sa ikatlong sunod na panalo ng Aces (5-1), habang nagdagdag ng tig-11 markers sina Vic Manuel at Rome Dela Rosa kasunod ang 10 ni Calvin Abueva.

Nahinto naman ang two-game winning run ng Road Warriors para sa kanilang 4-3 baraha.

Matapos kunin ang 42-31 abante sa halftime ay itinala ng Alaska ang 20-point advantage, 64-44, mula sa jumper ni JVee Casio sa 3:11 minuto ng third quarter.

Sa likod ng kinamadang 14 points ni small forward Sean Anthony sa fourth period ay nakalapit ang NLEX sa 81-87 agwat sa huling 1:07 minuto.

Ang dalawang free throws ni Thoss sa nala­labing 19.5 segundo ang tuluyan nang sumelyo sa panalo ng Aces.

Tumapos si Anthony na may 21 points para banderahan ang Road Warriors kasunod ang 12 ni Rico Villanueva at 10 ni 6-foot-9 Fil-Tongan Asi Taulava.

Samantala, kasalukuyan pang naglalaban ang Rain or Shine at Barako Bull habang sinusulat ito.

Alaska 89 - Thoss 16, Dela Rosa 11, Manuel 11, Abueva 10, Menk 9, Banchero 6, Casio 5, Hontiveros 5, Baguio 4, Dela Cruz 4, Exciminiano 3, Jazul 3, Racal 2, Baclao 0.

NLEX 81 - Anthony 21, Villanueva E. 12, Taulava 10, Alas 9, Villanueva J. 9, Enciso 5, Reyes 5, Camson 4, Khobuntin 4, Cardona 2, Lanete 0, Arboleda 0, Apinan 0, Borboran 0.

Quarterscores: 23-15; 42-31; 68-51; 89-81.

ACIRC

ALEX COMPTON

ANG

BARAKO BULL

CALVIN ABUEVA

CASIO

DELA CRUZ

DELA ROSA

FIL-TONGAN ASI TAULAVA

PHILIPPINE CUP

ROAD WARRIORS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with