Ronda Pilipinas sisimulan sa Mindanao
(Pilipino Star Ngayon) - November 23, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Muling papadyak sa susunod na taon ang Ronda Pilipinas, ang pinakamala­king cycling race sa Pilipinas, tampok ang isang three-leg  race na sisimulan ng Mindanao stages sa Feb. 20-27 mula sa Butuan City hanggang sa Cagayan de Oro at sa Malaybalay, Bukidnon.

Nasa ikaanim na edis- yon, magdaraos ang Ronda, inihahandog ng LBC at suportado ng Manny V. Pangilinan Sports Foundation, Petron, Mitsubishi, Versa Radio-Tech 1 Corp., Maynilad at Standard Insu­rance, ng tatlong five-stage legs sa Mindanao sa Peb­rero, sa Visayas sa Marso at sa Luzon sa Abril.

Para makasabay sa inter­national trend, guma­wa ang mga Ronda orga­nizers ng bagong inobasyon sa pamamagitan ng pagsasagawa ng ilang kombinasyon ng road race, individual time trial at criterium races per leg.

“We need to adapt to the way races are done in the world stage as this pro­ject is to groom champions for flag and country,” sabi ni Ronda sports development head Moe Chulani.

Idinagdag ni Chulani na ipagpapatuloy ng Ronda ang pagtulong sa PhilCycling, nasa ilalim ni Abraham “Bambol” Tolentino, para sa kanilang grassroots development program sa pagdiskubre sa mga potential talents at tulungan silang mapasama sa national team members.

Sa katunayan ang Ron­da, naglalatag ng mil­yun-milyong pa-premyo sa bawat stage at leg, ay magkakaroon ng tatlong magkakaibang overall winners mula sa Mindanao, Visayas at Luzon.

Kinuha ng Ronda ang 3Q Sports na pinamumunuan nina Quin at Jojo Baterna katuwang si Rommel Bobiles, ang mga nasa likod ng matagumpay na Giro de Pilipinas sa Subic noong Oktubre, para mapalakas ang cycling.

ACIRC ANG BUTUAN CITY JOJO BATERNA LUZON MANNY V MINDANAO MOE CHULANI PANGILINAN SPORTS FOUNDATION RONDA SHY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with