PSL palaban sa titulo ang isasabak sa VTL meet
(Pilipino Star Ngayon) - November 23, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Magpapadala ang Phi­lippine Superliga (PSL) ng isang malakas na koponan na siyang isasabak sa three-nation club tournament na itataguyod ng Volleyball Thailand League (VTL) sa Bangkok, Thailand sa susunod na taon.

Ayon kay PSL president Ramon Suzara, nakatanggap ang liga ng imbitasyon mula sa VTL para lumahok sa torneong pansamantalang nakatakda sa Marso 22 hanggang 28 kung saan apat na koponan mula sa Thailand at isa mula sa Vietnam ang maglalaban-laban.

Posibleng ipadala ng PSL ang koponang magkakampeon o nagkampeon na sa isang kumpe­rensiya ngunit maari rin itong bumuo ng isang solidong koponan mula sa iba’t ibang clubs gaya nina Rachel Anne Daquis, Dindin Manabat at Aby Maraño ng Petron; Jaja Santiago ng Foton, Cha Cruz ng Meralco, Maika Ortiz ng RC Cola-Air Force; Michelle Gumabao at Lindsay Dowd ng Philips Gold; at Jheck Dionela ng Cignal.

Inihayag din ni Suzara na naghahanda ang VTL ng malaking papremyo upang matiyak na magi­ging pukpukan ang laba­nan sa naturang event.

Sa katunayan, darating bukas ang deputy mana­ging director ng SMMTV na si Prajaya Chaiyakam kasama ang kanyang grupo upang mapanood ang Game 1 PSL Grand Prix best-of-three finals sa pagitan ng Foton at Petron sa Huwebes.

ABY MARA ACIRC ANG CHA CRUZ COLA-AIR FORCE DINDIN MANABAT FOTON GRAND PRIX JAJA SANTIAGO JHECK DIONELA LINDSAY DOWD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with