_ngayon
^

Diaz, Colonia lumakas ang laban sa Rio

(Pilipino Star Ngayon) - November 23, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Humakot ng tatlong tansong medalya si Hidilyn Diaz sa 2015 World Weightlifting Cham­pion­ships na ginanap sa Houston Texas upang mapalakas ang kanyang tsansang makapasok sa 2016 Olympic Games sa Rio de Janerio, Brazil.

Nasungkit  ng 24-an­yos na si Diaz ang tanso sa snatch matapos bumuhat ng 96 kilos kasunod ang pagkopo ng isa pang tanso sa clean and jerk sa  nailista nitong 117 kilos.

Nagtala si Diaz ng ka­bu­uang 213 kilos, sapat para kubrahin ang tanso sa total output.

Sa katunayan, magka­tulad ang nabuhat nina Diaz at Hsu Shung C­hing ng Chinese Taipei sa snatch ngunit nagkasya ang Pinay lifter sa tanso via tiebreak.

Naibulsa naman ni Nestor Colonia ang ika­apat na tanso ng Pilipinas mula sa clean and jerk ng men’s 56-kilogram division.

Sinabi ni Weightlifting Association of the Philippines honorary chairman Monico Puentevella na malakas ang tsansa nina Diaz at Colonia na makapasok sa Olympics.

“There will still be computations but having been a former Asian Weight­lifting president, I believe both will qualify for Rio,” ani Puentevella.

Hangad ng two-time Olympian na si Diaz na makalikom ng sapat na puntos upang makakuha ng tiket sa Rio Olympics.

Kamakailan ay umani ng tatlong ginto si Diaz sa Asian Weightlifting Championship sa Phuket, Thailand. Nakapaglaro na rin ito sa 2008 Beijing at 2012 London edisyon ng Olympics.

ACIRC ANG ASIAN WEIGHT ASIAN WEIGHTLIFTING CHAMPIONSHIP CHINESE TAIPEI DIAZ HIDILYN DIAZ HOUSTON TEXAS HSU SHUNG C MONICO PUENTEVELLA SHY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with