V-League title rematch ikakasa ng PLDT, Army
(Pilipino Star Ngayon) - November 21, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Pipilitin ng PLDT Home Ultera at Army na maitakda ang kanilang titular showdown sa pagpitas ng panalo sa magkahiwalay na laban ngayon sa Shakey’s V-League Season 12-Reinforced Conference sa The Arena sa San Juan City.

Winalis ang first round, inaasahang mataas ang morale ng Lady Troopers na sasagupa sa Navy sa alas-3 ng hapon kung saan hawak ng una ang twice-to-beat advantage.

Bago ito ay maghaharap muna ang Ultra Fast Hitters, tumapos sa elims na hawak ang 4-1 karta at twice-to-beat advantage, ang University of the Phi­lippines sa alas-12:45 ng tanghali sa season-ending conference na itinatagu­yod ng Shakey’s.

Paborito ang Ultra Fast Hitters na maselyuhan ang isang tiket sa finals na ibabandera ang dalawang mahusay na import --sina Victoria Hurtt at Serena Freeman.

Gumawa ng malakas na impact ang  US NCAA Division I standouts sa kani-kanilang debuts noong nakaraang linggo nang bitbitin ang Home Ultera sa Final Four sa panalo laban sa Kia Forte na nagbigay sa koponan ng bonus sa semis sa tournament.

 

ACIRC ANG DIVISION I FINAL FOUR HOME ULTERA KIA FORTE LADY TROOPERS REINFORCED CONFERENCE SAN JUAN CITY SERENA FREEMAN ULTRA FAST HITTERS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with