^

PSN Palaro

PSL Grand Prix Foton vs Petron sa finals

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nabalewala ang pagiging top seed ng Philips Gold nang talunin sila ng No. 4 Foton para kunin ang unang finals seat sa 2015 Philipine Superliga (PSL) Grand Prix wo­men’s volleyball tournament kagabi sa The Arena sa San Juan.

Sa likod American import Lindsay Stalzer, pi­nadapa ng Tornadoes ang Lady Slammers, 25-18, 26-24, 18-25, 20-25, 15-8 sa kanilang semifinals showdown.

Sa ikalawang laro, pinabagsak ng No. 2 Petron  ang No. 3 Cignal HD Spikers sa ikalawang laro, 25-20, 26-24, 20-25, 20-13 para itakda ang kanilang title duel ng Tornadoes.

Maglalaban ang Foton at ang Blaze Spikers sa best-of-three championship series ng inter-club tournament na inihahandog ng Asics katuwang ang Milo, Senoh, Mikasa at Mueller bilang technical sponsors at TV5 bilang official broadcaster simula sa Lunes.

Humataw ang 6-foot-1 na si Stalzer, dating kamador ng Bradley University at naglaro para sa Cignal sa nakaraang season-ending conference, ng 26 kills at 3 blocks para tumapos bitbit ang team-high na 29 points.

Si Stalzer ang kumana ng 7 points ng Foton sa fifth set kasabay ng ilang krusyal na errors ng Philips Gold na binanderahan ni dating UCLA star Bojana Todorovic.

“She knows the game here in the Philippines,” wika ni Tornadoes’ coach Villet Ponce-de Leon kay Stalzer. “She is a seasoned player. She is my captain inside the court and she knows the game very well. That’s why we never hesitated to go to her when the going was getting tough.”

Nagdagdag naman si Jaja Santiago ng 15 points kasunod ang 13 markers ni import Katie Messing para sa Foton.

Matapos kunin ng Tornadoes ang unang dalawang sets ay sumandal naman ang Lady Slammers kina Todorovic, Ale­xis Olgard at Myla Pablo para agawin ang third at fourth sets at makapu­wersa ng fifth set.

Kaagad kinuha ng Foton ang 8-4 bentahe kasunod ang apat na errors ni Todorovic sa naitalang lima ng Philips Gold.

Ang running attack ni Santiago ang tuluyan nang sumelyo sa panalo ng Tornadoes laban sa Philips Gold, nagtala ng 8-2 record sa double-round elimiantion.

Pinamunuan ni Todorovic, ang dating UCLA varsity na nanalo ng national title noong 2011, ang Lady Slammers sa kanyang 31 points, habang may 19 hits si Olgard at nagdagdag si Pablo ng 10 markers.

Lalabanan ng Philps Gold para sa third place trophy ang Petron-Cignal.

ACIRC

ANG

BLAZE SPIKERS

BOJANA TODOROVIC

BRADLEY UNIVERSITY

CIGNAL

FOTON

GRAND PRIX

LADY SLAMMERS

PHILIPS GOLD

TODOROVIC

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with