^

Holm handa na sa rematch nila ni Rousey

Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - November 19, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Handa ang bagong UFC bantamweight champion na si Holly Holm na muling labanan si Ronda Rousey sa isang rematch.

Ito ang sinabi ni Holm sa panayam ng ESPN.

“I guess that is satisfying, I’m not gonna say I don’t love to punch people in the face, but that’s just sport,” wika ni Holm.

Bago ang kanilang laban noong Linggo ay tinawag ni Rousey si Holm na “fake” dahil pagkukunwari lamang ang pagpapakita ng dating women boxing champion ng kabaitan.

Ngunit sinabi ni Holm na hindi niya ikinasisiya ang pagbugbog sa kanyang mga kalaban.

“Everytime I land a punch it’s satisfying because I know that I’m on top,” sabi ni Holm apat na araw matapos niyang agawin kay Rousey ang dating suot nitong korona sa nakaraang UFC 193 na idinaos sa Australia.

“It’s not like, I hurt someone, It’s like instant gratification of a bit of an accomplishment,” dagdag pa nito.

Sinabi ng 34-anyos na si Holm, kasalukuyang may 11-0 record, na paghahandaan niya ang pagbabalik ni Rousey.

ACIRC ANG EVERYTIME I HANDA HOLLY HOLM HOLM ITO LINGGO NGUNIT RONDA ROUSEY ROUSEY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with