^

PSN Palaro

Eskplosibong semis match sa PSL Grand Prix

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang kapana-panabik na semifinals matches ang matutunghayan sa 2015 Philippine Superliga (PSL) Grand Prix bukas sa The Arena sa San Juan.

Ito ay dahil sa paghaharap ng bigating Philips Gold at ng Foton at ang bakbakan ng nagdedepensang Petron at Cignal sa dalawang pares ng knockout games.

Dahil sa kanilang intact lineup at mahuhusay na imports sa katauhan nina Americans Bojana Todorovic at Alexis Olgard ay lubhang kinatakutan ang Lady Slammers.

Nagtala ng 8-2 record ang Philips Gold sa double-round eliminations para angkinin ang No. 1 seat kasunod ang Petron (7-3).

Ngunit hindi sila dapat magkumpiyansa sa Foton na naunang tumalo sa kanila, 25-14, 25-22, 18-25, 25-18, noong Nobyembre 5.

Nauna namang nagposte ang Blaze Spikers ng five-game winning streak  bago natalo sa Lady Slammers sa huling araw ng preliminaries.

Pinadapa ng Cignal ang Petron, 18-25, 17-25, 25-16, 25-18, 16-14, noong Oktubre 10 sa Alonte Sports Arena sa Biñan City.

ALEXIS OLGARD

ALONTE SPORTS ARENA

AMERICANS BOJANA TODOROVIC

ANG

BLAZE SPIKERS

CIGNAL

FOTON

GRAND PRIX

LADY SLAMMERS

PETRON

PHILIPS GOLD

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with