Holm pinatumba si Rousey
(Pilipino Star Ngayon) - November 15, 2015 - 9:00am

MELBOURNE, Australia — Nagposte si Holly Holm ng isang malaking upset victory laban kay Ronda Rousey sa UFC 193 matapos pabagsakin ang women’s bantam­weight champion sa second round mula sa kanyang ma­lakas na sipa sa ulo ng huli.

Sa first round ay nakakonekta si Holm ng malalakas na suntok sa ulo at mukha ni Rousey.

Tinangka ni Rousey na dominahin ang second round kung saan niya naitulak si Holm sa loob ng ring.

Ngunit isang malakas na sipa ang pinakawalan ng challenger na nagpabagsak sa dating kampeon sa can­vas.

Nang mangyari ito ay kaagad siyang nirapido ni Holm (10-0) bago inawat ni referee Herb Dean.

“I had so much love and support I just thought, ‘How can I not do this?’” sabi ni Holm. “This right here is priceless.”

Hindi pa natatalo si Rousey, isang dating judo Olympian, sa kanyang 12 UFC fights bago siya biguin ni Holm, isang veteran female boxer mula sa New Mexico.

“I have to say that everything that we worked on pre­sented itself in the fight. Every grab that she tried to get and clinch on the cage, and I just had help with everything,” wika ni Holm.

“I have not spent this much time in the gym before any fight of my life,” dagdag pa nito.

ACIRC HERB DEAN HOLLY HOLM HOLM NAGPOSTE NANG NEW MEXICO NGUNIT RONDA ROUSEY ROUSEY TINANGKA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with