Texters tinuhog ang Hotshots sa Lucena
(Pilipino Star Ngayon) - November 14, 2015 - 9:00am

Laro Ngayon (Philsports Arena, Pasig City)

3 p.m. Barako Bull vs Meralco

5:15 p.m. San Miguel vs Ginebra

MANILA, Philippines – Muling sinandigan ng Talk ‘N Text si star guard Jayson Castro nang ma­ngailangan ng mahahala­gang basket sa huling mi­nuto ng laro.

Kumamada si Castro ng game-high na 33 points, habang nagdagdag ng 10 si Larry Fonacier para ihatid ang Tropang Texters sa 91-86 panalo laban sa Star Hotshots sa 2015 PBA Philippine Cup kagabi sa Quezon Convention Center sa Lucena.

Ito ang ikatlong sunod na panalo ng Talk ‘N Text para sa kanilang 3-1 record katabla ang nagdedepensang San Miguel, Rain or Shine at Alaska.

Ang three-point shot ni Castro ang nagbigay sa Tropang Texters ng 77-73 abante sa 5:25 minuto ng fourth quarter bago nakadikit ang Hotshots sa 82-83 agwat mula sa basket ni Ian Sangalang sa huling 1:26 minuto.

Ang tres ni Castro kasunod ang fastbreak layup mula sa kanyang steal ang muling naglayo sa Talk ‘N Text sa 88-82 sa natitirang 39.9 segundo.

Talk ‘N Text 91 - Castro 33, Fonacier 10, Reyes 9, Rosario 9, Roser 9, Tautuaa 8, Carey 4, Seigle 4, Miranda 3, Aban 2.

Star 86 - Melton 25, Pingris 17, Simon 11, Barroca 10, Yap 9, Sangalang 6, Mallari 5, Torres 2, Pascual 1, Taha 0, Maliksi 0.

Quarterscores:  26-25; 52-44; 70-62; 91-86.

ACIRC ANG BARAKO BULL IAN SANGALANG JAYSON CASTRO LARO NGAYON LARRY FONACIER N TEXT SAN MIGUEL STRONG TROPANG TEXTERS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with