Liderato nakataya sa Lady Slammers, Lady Spikers
ATan (Pilipino Star Ngayon) - November 11, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Paglalabanan ng Phi­lips Gold at Cignal ang liderato sa 2015 Philippine SuperLiga (PSL) Grand Prix volleyball tournament ngayong hapon sa The Arena sa San Juan City.

Sa ganap na alas-4 ng hapon mapapanood ang tagisan at ang magwawagi ay kakalas sa 3-way tie sa unang puwesto sa ligang inorganisa ng SportsCore na handog ng Asics at Milo bukod sa suporta ng Mikasa, Senoh at Mueller at ipinalalabas sa TV5.

Ang Lady Slammers, HD Lady Spikers at pa­hi­ngang nagdedepensang Petron Lady Blaze Spikers ay may magkakatulad na 6-2 karta papasok sa hu­ling dalawang laro.

Mahalaga ang makukuhang panalo alinman sa Philips Gold at Cignal dahil puwedeng maging number one ang koponan at ang makakalaban sa cross-over knockout semifinals ay ang number four team.

Sa ngayon ay hawak ng Foton Tornadoes ang ikaapat na puwesto sa 5-3 karta at sila ay mapa­palaban sa tampok na laro kontra sa talsik ng RC Cola-Air Force Raiders sa alas-6 ng gabi.

 

ACIRC ANG ANG LADY SLAMMERS CIGNAL COLA-AIR FORCE RAIDERS FOTON TORNADOES GRAND PRIX LADY SPIKERS PETRON LADY BLAZE SPIKERS PHILIPS GOLD SAN JUAN CITY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with