_ngayon
^

Aguilas nakatikim na ng panalo sa 5th DELeague

(Pilipino Star Ngayon) - November 11, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Dinagit ng Mindanao Aguilas ang una nitong panalo nang pabagsakin ang Our Lady of Fatima University (OLFU), 78-72, noong Martes ng gabi sa 5th DELeague Basketball Tournament sa Marikina Sports Center, Marikina City.

Si Rene Pacquiao ay gumawa ng 20 puntos, siyam na rebounds at limang assists habang si Abdul Wahad ay may 16 puntos at 16 rebounds bukod sa apat na assists para sa unang panalo sa tatlong laro ng Aguilas.

Gumawa naman ng 22 puntos at anim na  rebounds si Romly Jornacion habang si Juanico ay nagtapos na may siyam na puntos para sa  OLFU na nananatiling walang panalo sa ligang sinusuportahan ng PSBank, Accel Sportswear, PCA -Marivalley, Angel’s Bur­ger, Mckie’s Construction Equipment Sales and Rentals, Luyong Panciteria, Azucar Boulangerie and Patisserie, JAJ Quick Print Advertising, Mall Tile Experts Corporation, Jay Marcelo Tires, Polar Glass and Aluminum Supply, at nina Mr. and Mrs. Dot Escalona.

Mabibili ang ticket sa halagang P10.

Para sa resulta ng mga laro maaaring bisitahin ang www.sports29.com.

 

ABDUL WAHAD ACCEL SPORTSWEAR AZUCAR BOULANGERIE AND PATISSERIE BASKETBALL TOURNAMENT CONSTRUCTION EQUIPMENT SALES AND RENTALS JAY MARCELO TIRES LUYONG PANCITERIA MALL TILE EXPERTS CORPORATION MARIKINA CITY MARIKINA SPORTS CENTER MINDANAO AGUILAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with