^

Texters kumunekta ng panalo sa Bolts

Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - November 11, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Walang dapat ipag-alala si Ranidel De Ocampo ukol sa pansamantalang sasalo sa naiwan niyang trabaho sa Talk ‘N Text.

Nagtumpok sina rookie power forwards Moala Tautuaa at Troy Rosario ng pinagsamang 22 points para tulungan ang Talk ‘N Text sa 105-91 pagpapabagsak sa Meralco sa 2015 PBA Philippine Cup kagabi sa Philsports Arena sa Pasig City.

Binanderahan ni Mat Ganuelas-Rosser ang ikalawang sunod na panalo ng Tropang Texters sa kanyang 19 points at 6 rebounds kasunod ang 18 ni Tautuaa, 15 ni Jayson Castro at 14 ni Rosario.

“We should play better than the last two games, and I think we did,” sabi ni Talk ‘N Text coach Jong Uichico. “Generally from our last two games maganda ‘yung inilaro namin.”

Kasalukuyan pang nagpapagaling ng kanyang back injury si De Ocampo na kanyang nakuha sa maling pagbubuhat ng barbell bago magsimula ang komperensya.

Kaagad lumayo ang Tropang Texters sa Bolts sa first period, 33-17, hanggang iposte ang 25-point lead, 48-23, sa 7:51 minuto ng third quarter.

Naputol  ito ng  Meralco, nalasap ang kanilang pangatlong dikit na kama­lasan, sa 74-89 sa kaagahan ng final canto bago muling umarangkada ang Talk ‘N Text sa likod nina Tautuaa, Rosario para sa kanilang 101-81 bentahe sa huling 3:58 minuto.

Pinamunuan naman ni Rabeh Al-Hussaini ang Bolts sa kanyang 16 markers kasunod ang tig-13 nina Gary David, Cliff Hodge at rookie guard Chris Newsome at 11 ni Jared Dillinger.

Talk ‘N Text 105 – Rosser 19, Tautuaa 18, Castro 15, Rosario 14, Fonacier 9, Reyes 9, Carey 8, Miranda 4, Seigle 4, Aban 3, Rodriguez 2, Reyes 0.

Meralco 91 – Al-Hussaini 16, David 13, Hodge 13, Newsome 13, Dillinger 11, Amer 8, Nabong 6, Alapag 4, Sedurifa 4, Faundo 2, Guevarra 1, Hugnatan 0.

Quarterscores: 33-17; 60-38; 88-64; 105-91.

ACIRC ANG CHRIS NEWSOME CLIFF HODGE DE OCAMPO GARY DAVID JARED DILLINGER MERALCO N TEXT TAUTUAA TROPANG TEXTERS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with