Twice-to-beat sa semis kuha na ng UST
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - November 11, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Nakamit na ng Univer­sity of Sto. Tomas ang ka­nilang hinahangad.

Hindi na pinakawalan ng Tigers ang pagkakataon at tuluyan nang inangkin ang mahalagang ‘twice-to-beat’ incentive sa Final Four matapos patumbahin ang sibak nang Adamson Falcons, 78-63 sa 78th UAAP men’s basketball tournament kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Ipinoste ng UST ang kanilang 11-3 kartada sa ilalim ng Far Eastern University (10-2) kasunod ang Ateneo (9-4), nagdedepensang National University (6-7), La Salle (6-7), University of the East (4-8), University of the Philippines (3-10) at Adamson (3-11).

Sa ikalawang laro, binuhay ng Green Archers ang kanilang pag-asa para sa ikaapat at huling tiket sa Final Four nang gibain ang Fighting Maroons, 72-68, para sa kanilang ikaanim na panalo.

Humakot si star guard Jeron Teng ng 20 points, 4 rebounds at 2 assists, habang kumolekta si Prince Rivero ng 18 markers, 16 boards at 3 assists para sa La Salle.

Kagaya ng dapat asa­han, muling nagbida si Kevin Ferrer para sa Tigers, nabigong makapasok sa Final Four noong nakaraang UAAP season, sa kanyang kinamadang 25 points at 10 rebounds.

“Itong twice-to-beat, gustung-gusto naming makuha talaga. Siyempre, pinaghirapan namin ito eh,” sabi ni UST coach Bong Dela Cruz.

Nagdagdag naman si Louie Vigil ng 15 markers, habang may 11 si Ed Daquioag at 9 si import Karim Abdul.

Gumamit ang Tigers ng 12-0 atake sa opening period para kontrolin ang kanilang laro kung saan ibinaon nila ang Falcons sa 16-point lead, 49-33, sa third quarter.

Sa naturang ratsada ng España-based cagers ay umiskor si Ferrer ng 12 markers patungo sa pagsikwat ng ‘twice-to-beat’ bonus sa Final Four na kanilang huling nakamit noong 2012.

Sa naturang taon ay umabante ang Tigers sa UAAP Finals ngunit natalo sa nagkampeong Blue Eagles.

Binanderahan ni import Pape Sarr ang Adamson sa kanyang 12 points at 11 rebounds.

UST 78 – Ferrer 25, Vigil 15, Daquioag 11, Abdul 9, Lao 6, Bonleon 5, Faundo 4, Lee 3, Abdurasad 0, Arana 0, Caunan 0, Garrido 0, Huang 0, Sheriff 0, Suarez 0, Subido 0.

Adamson 63 – Sarr 12, Capote 10, Ochea 9, Nalos 8, Tungcab 8, Polican 5, Fernandez 4, J. Garcia 3, Villanueva 2, Bernardo 1, Margallo 1, Escalambre 0, C. Garcia 0, Miranda 0.

Quarterscores: 21-14; 37-26; 57-44; 78-63.

DLSU 72 – Teng 20, Rivero 18, Torres 11, Torralba 8, Caracut 7, Perkins 4, Langston 2, Muyang 2, Go 0.

UP 68 – Manuel 15, Moralde 14, Desiderio 10, Dario 9, Longa 8, Amar 6, Gallarza 2, Kone 2, Vito 2, Harris 0, Jaboneta 0, Juruena 0, Lim 0.

Quarterscores: 19-6, 27-26, 49-52, 72-68.

ACIRC ADAMSON ADAMSON FALCONS ANG BLUE EAGLES BONG DELA CRUZ ED DAQUIOAG FAR EASTERN UNIVERSITY FINAL FOUR LA SALLE STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with