Lady Troopers lumapit sa sweep sa elimination
ATan (Pilipino Star Ngayon) - November 8, 2015 - 9:00am

Laro sa Sabado 12:45 p.m. – PLDT vs Kia Forte

3 p.m. – Army vs UP

MANILA, Philippines – Tatlong manlalaro ng Ar­my Lady Troopers ang na­sa doble-pigura para pa­ngunahan ang dominanteng 25-4, 25-12, 33-31 panalo sa Coast Guard Lady Dolphins sa Shakey’s V-League Season 12 Reinforced Conference kaha­pon sa The Arena sa San Juan City.

May 17 kills at dalawang blocks tungo sa 20 puntos si Jovelyn Gonza­ga, habang 13 at 11 puntos ang ibinigay nina Remy Palma at Honey Royse Tu­bino para ilapit ang Army sa isang panalo tungo sa sweep sa elimination round.

May pitong puntos si Rossan Fajardo para pa­munuan ang Lady Dolphins na tinapos ang kampan­ya sa 10-4 karta para ma­maalam sa liga.

Hinawakan pa nila ang 30-29 set point ngunit sad­yang mapait na kapalaran ang naghihintay sa kanila dahil naagaw pa ito ng multi-titled team sa pamama­gitan ng magka­sunod na atake nina Tubino at Palma.

Tinapos ng baguhang Kia Forte ang tatlong sunod na pagkatalo gamit ang 25-22, 19-25, 25-15, 25-19 tagumpay sa UP Lady Maroons sa ikalawang laro.

Si Carmina Aganon la­­mang ang nasa double-di­gits para sa Kia sa kan­­yang 15 puntos pero nakuha niya ang suporta ni­na Michiko Castañeda, Wen­neth Eulalio, Shiela Pi­neda, Ange­lica Legacioin at Alexa Mi­cek sa pinagsamang 32 puntos upang manatiling bu­­hay ang paghahangad ng baguhang koponan ng puwesto sa semifinals sa ka­nilang 1-3 karta.

ACIRC ALEXA MI ANG COAST GUARD LADY DOLPHINS HONEY ROYSE TU JOVELYN GONZA KIA FORTE LADY DOLPHINS LADY MAROONS LADY TROOPERS SHY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with