Bulldogs binuhay ang tsansa sa Final Four; Eagles binalikan ang Archers
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - November 8, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Kasabay ng pagdiretso nila sa pang-limang sunod na panalo ay pinatibay ng Ate­neo De Manila University ang kanilang pag-asa sa ‘twice-to-beat’ incentive sa Final Four.

Ito ay matapos dispat­sa­hin ng Blue Eagles ang karibal na La Salle Green Archers, 73-62, sa second round ng 78th UAAP men’s basketball tournament ka­gabi sa Smart Araneta Co­­­liseum.

Nakabawi ang Ateneo mula sa 10-point deficit, 9-19, sa La Salle sa first pe­­­riod nang umarangkada sa second half.

Itinala ng Blue Eagles ang 11-point lead, 55-44, sa pagbungad ng fourth quarter bago nakalapit ang Green Archers, nalasap ang kanilang ikatlong dikit na kamalasan, sa 50-55 sa 7:10 minuto ng laro.

Tinalo ng La Salle ang Ateneo, 80-76, noong Oktubre 4.

Sa unang laro, pinala­kas ng nagdedepensang Na­tional University ang ka­nilang tsansa sa Final Four matapos talunin ang University of the Philippines, 75-69.

Kumamada si veteran guard Gelo Alolino ng 12 sa kanyang game-high na 26 points sa fourth quarter.

Mula sa 63-53 abante sa huling apat na minuto ng laro ay kumayod ng 7-0 atake ang Fighting Maroons para makadikit sa 60-63 sa 2:39 minuto nito.

NU 75 – Alolino 26, Aroga 15, Celda 7, Ney­pes 7, Salim 6, Alejandro 4, Javillonar 3, Yu 3, Javelona 2, Morido 2, Aba­tayo 0, Diputado 0.

UP 69 – Dario 13, Ma­nuel 13, Desiderio 10, Amar 9, Kone 6, Asilum 4, Gallarza 4, Moralde 4, Harris 2, Lim 2, Longa 2, Jaboneta 0, Juruena 0, Webb 0.

Quarterscores: 13-18; 28-31; 52-42; 75-69.

Ateneo 73 – Pessu­mal 17, Ravena 15, Black 13, Wong 10, Ma. Nieto 6, Gotla­dera 5, Ikeh 4, Go 2, Capacio 1, Babilonia 0, V. Tolentino 0, Cani 0. A. To­lentino 0.

La Salle 62 – Rivero 16, Teng 11, Perkins 8, Tor­ralba 8, Torres 6, Mu­yang 6, Caracut 5, Go 2, Langston 0, Navarro 0, Tratter 0.

Quarterscores: 13-23; 30-35; 53-44; 73-62.

ACIRC ANG ATENEO BLUE EAGLES DE MANILA UNIVERSITY FIGHTING MAROONS FINAL FOUR GELO ALOLINO LA SALLE SHY STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with