^

Cignal pasok na sa semis sa Spikers’ Turf

AT (Pilipino Star Ngayon) - November 5, 2015 - 9:00am

Laro Bukas

(The Arena, San Juan City)

3 p.m.  IEM vs Sta. Elena

5 p.m.  Cignal vs Navy

 

MANILA, Philippines – Bumangon ang Cignal HD Spikers mula sa pagkatalo sa first set tungo sa 23-25, 25-22,25-14, 25-17 panalo sa IEM Volley Masters at makapasok na rin sa semifinals sa Spikers’ Turf Reinforced Confe­rence noong Miyerkules ng gabi sa The Arena sa San Juan City.

Si Lorenza Capate Jr. ay mayroong 16 puntos na lahat ay ginawa sa  pag-atake, si Edmar Bonono ay umiskor ng 10 puntos mula sa walong kills at da­lawang blocks, habang si Jeffrey Lansangan ay may apat na blocks tungo sa si­yam na puntos para sa nanalong koponan.

Ito na ang ikalawang sunod  na panalo tungo sa 3-1 karta para samahan nila ang walang talong Air Force Airmen sa semifinals sa ligang inorganisa ng Sports Vision at handog ng PLDT Home Ultera.

May 21 puntos, tampok ang 20 kills, si Eden Canlas para tulungan ang IEM na magdomina sa spike department, 51-45.

Pero hindi ito naramdaman dahil tumibay ang depensa ng Cignal sa huling tatlong set para hawakan ang 10-2 lead.

Nakatulong pa sa Cignal ang 41 libreng puntos na ibinigay ng IEM mula sa kanilang errors para manatiling walang panalo ang koponan matapos ang tatlong asignatura.

Kailangan ngayon ng IEM na maipanalo ang huling dalawang laro sa elimination round para magkaroon pa ng tsansa na magpatuloy ang pagla­laro sa natatanging commercial league sa men’s volleyball.

ACIRC AIR FORCE AIRMEN ANG CIGNAL EDEN CANLAS EDMAR BONONO HOME ULTERA JEFFREY LANSANGAN LARO BUKAS SAN JUAN CITY SI LORENZA CAPATE JR.
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with