^

PSN Palaro

Airmen puntirya ang semis vs Wrecking Ball

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon (The Arena, San Juan City)

1 p.m.  Air Force vs Sta. Elena

3 p.m.  Navy vs PLDT

5 p.m.  Cignal vs IEM

MANILA, Philippines – Pasisiklabin agad ng Air Force Airmen ang pagbabalik ng aksyon sa Spikers’ Turf Reinforced Conference sa pag-asinta ng puwesto sa semifinals ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Ito ang unang laro matapos magpahinga ng siyam na araw ang kompetisyong inorganisa ng Sports Vision at handog ng PLDT Home Ultera at katunggali ng Airmen ang baguhang Sta. Elena Wrecking Ball sa ganap na ala-1 ng hapon.

Hindi pa natatalo ang Air Force matapos ang tatlong laro at pinadapa nila ang Insituto Estetico Manila Volley Masters, Cignal HD Spikers at Navy Sailors.

May 1-2 karta ang Wrecking Ball at kailangan nilang maitaas ang kalidad ng paglalaro para mapabagsak ang nasa itaas ng team standings na Air Force.

Babangon din sa 1-2 karta ang Open Conference champion PLDT Home Ultera Fast Hitters laban sa Navy Sailors sa ikalawang  laro dakong  alas-3 ng hapon habang ang Cignal HD Spikers at IEM ang magtutunggali sa alas-5 ng hapon.

May 2-1 baraha ang Cignal at kailangan nilang manalo para manatili ang kapit sa pangalawang puwesto sa anim na koponang liga.

Ang unang apat na koponan matapos ang single-round elimination ang aabante sa kompetisyon at lahat ng anim na kasali ay palaban pa sa nasabing puwesto.

AIR FORCE

AIR FORCE AIRMEN

ANG

CIGNAL

ELENA WRECKING BALL

HOME ULTERA

HOME ULTERA FAST HITTERS

INSITUTO ESTETICO MANILA VOLLEY MASTERS

NAVY SAILORS

SAN JUAN CITY

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with