_ngayon
^

PSN Palaro

Amit ibabandera ang Pinas sa Women’s World 9-Ball Championship

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Muling magkakaroon ng pagkakataon si Rubilen Amit na makilatis ang  kanyang kakayahan laban sa mga tinitingala sa mundo ng women’s billiards sa pagsali niya sa 2015 Women’s World 9-Ball Championship sa Guilin Museum, Guilin, China.

Tinatayang nasa 20 bansa ang sasali sa torneong may basbas ng World Pool Association at gagawin ito mula Huwebes hanggang Linggo.

Ito ang ikalawang ma­la­king kompetisyon na sinalihan ni Amit na ginawa sa China.

Ang una ay ang CBSA B Beijing Miyun International Tournament na kung saan pumangalawa siya kay Chen Si Ming ng China.

Ito ang ikalawang sunod na taon na sa Guilin gagawin ang kompetisyon at sisikapin ni Amit na mahigitan ang pangalawang puwestong pagtatapos kay Ga Young Kim ng Korea na ginawa noong 2007 sa Taipei.

Sina Ga at Chen ay kasali rin sa torneo bukod pa kay Lui Shasha ng China na siyang nanalo noong 2014 at hanap ang pangatlong World title sa kompetisyong ito.

Ang iba pang biga­ting manlalaro na kasali ay sina Allison Fisher at Kelly Fisher ng Great Bri­tain, Jasmin Ouschan ng Austria, Akimi Kajitani ng Japan, Pan Xiaoting ng China at Chou Chieh-yu  ng Chinese Taipei.

Magkakaroon ng qualifying sa Nobyembre 5 para mahanap ang mga manlalarong kukumpleto sa 64 players na sasailalim sa Group elimination.

Walong grupo na bubuuin ng walong manlalaro ang sasailalim sa double round elimination at ang dalawang mangu­nguna sa winner’s at lo-ser’s bracket ang papasok sa Final 32 na magtutuos sa race-to-9, alternate break knockout round.

Umabot sa $170k ang premyong paglalabanan at ang mananalo ay mag-uuwi ng $42k at ang papa­ngalawa ay tatanggap ng $20k premyo.

ACIRC AKIMI KAJITANI ALLISON FISHER ANG B BEIJING MIYUN INTERNATIONAL TOURNAMENT BALL CHAMPIONSHIP CHEN SI MING CHINESE TAIPEI CHOU CHIEH GA YOUNG KIM GREAT BRI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with