^

PCU niyanig ang Sta. Lucia Land

(Pilipino Star Ngayon) - October 28, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Sinorpresa ng Philippine Christian University ang dating kampeong Sta. Lucia Land, 97-91 sa pagpapatuloy ng 5th DELeague Basketball Tournament noong Martes ng gabi sa Basketball Covered Court ng Marikina Sports Center.

Nangapa man sa opensa sa first quarter, hin­di na napigil pa ang Dolphins nang makuha ang laro upang kunin na ang momentum sa unang pagkaka­taon sa second period tungo sa panalo.

Pinangunahan nina Chris Malto na may 24 pun­tos, Fidel Castro na may 23 puntos at Von Tambeling na may 20 puntos ang PCU para ihatid sa unang panalo.

Sa  isa pang laro, tinambakan ng Macway Travel ang Philippine National Police-Quick Print, 96-69 sa torneong suportado ng PSBank, Accel Sportswear, PCA-Marivalley, Angel’s Burger, Mckie’s Construction Equipment Sales and Rentals, Luyong Panciteria, Azucar Boulangerie and Patisserie at JAJ Quick Print Advertising.

ACCEL SPORTSWEAR ACIRC AZUCAR BOULANGERIE AND PATISSERIE BASKETBALL COVERED COURT BASKETBALL TOURNAMENT CHRIS MALTO CONSTRUCTION EQUIPMENT SALES AND RENTALS FIDEL CASTRO LUCIA LAND LUYONG PANCITERIA MACWAY TRAVEL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with