^

PSN Palaro

Pinoy cue artists sumasargo pa

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nanatili sa winners’ bracket sina Dennis Orcollo, Carlo Biado at Warren Kiamco sa idinadaos na 40th US Open 9-Ball Championship sa Sheraton Waterside sa Norfold, Virginia.

Ang pumangalawa sa nakaraang edisyon na si Orcollo ay nanalo kay Pham Phuong Hong ng Vietnam, 11-1, para isunod ang pagharap kay Dang Jin-hu ng China.

Nanalo si Biado kay Brandon Shuff ng US, 11-5, habang si Kiamco ay na­ngibabaw sa kababayang si Francisco Felicilda, 11-9.

Sunod na katapat ni Biado si Thorsten Hohmann ng Germany habang si Kiamco ay masusukat kay Jason Klatt ng Canada.

Double-elimination ang format ng labanan at ang mga mananalo sa winner’s bracket ay may tsansa pang mapalaban sa titulo.

Si Roberto Gomez ay natalo kay 3-time defending champion Shane Van Boening, 9-11, para samahan sina Felicilda, Ramil Gallego, Jundel Mazon at Jeffrey Ignacio na talunan agad sa first round.

 

BALL CHAMPIONSHIP

BIADO

BRANDON SHUFF

CARLO BIADO

DANG JIN

DENNIS ORCOLLO

FRANCISCO FELICILDA

JASON KLATT

JEFFREY IGNACIO

JUNDEL MAZON

KIAMCO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with