^

PSN Palaro

Letran tatapusin ang dinastiya ng San Beda

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon (Mall of Asia Arena, Pasay City)

2 p.m. Arellano vs San Beda (Jrs)

4 p.m.  Letran vs San Beda (Srs)

MANILA, Philippines – cSa araw na ito na kaya matatapos ang pagkauhaw sa titulo sa NCAA  ng Letran Knights?

Masasagot ito matapos isagawa ang Game Two sa 91st NCAA men’s basketball Finals ngayong alas-4 ng hapon sa pagitan ng Knights at ng 5-time defending champion San Beda Red Lions.

Bago ito ay magtutuos muna ang San Beda Red Cubs at Arellano Braves sa ganap na alas-2 ng hapon sa pangalawang laro sa juniors division.

Kailangan lamang ng Red Cubs na manalo sa Braves para makumpleto ang 20-game sweep at mailista ang makasaysa­yang ikapitong sunod na kampeonato sa San Beda.

Lumapit sa isang laro ang Knights para wakasan ang 10 taong hindi nakakatikim ng titulo sa pinakamatandang collegiate league sa bansa nang angkinin ang 94-90 panalo sa Lions sa Game One noong Biyernes.

Taong 2005 pa huling nagkampeon ang Letran at kahit pumasok sila sa Finals noong 2012 at 2013 ay hindi sila pinalad sa Lions.

“Ayaw ko nang nakikita ang team at mga taga­hanga na magdusa pa. Mahaba na rin ang kanilang ipinagtitiis at determinado kaming tapusin ito,” wika ni Letran first time mentor Aldin Ayo.

Sina Mark Cruz at Ke­vin Racal ay mga beterano ng dalawang title series na naisuko ng koponan at sa kanilang huling taon ng paglalaro sa NCAA ay parehong nais nilang makatikim din ng titulo.

“Pangarap namin na mag-champion din. At dahil kami ni Mark ang mga beterano, nag-usap kami na gagawin ang lahat para tulungan ang Letran na manalo,” wika ni Racal na gumawa ng career-high 28 puntos sa hu­ling tagisan.

Tiyak naman na handang bumawi ang  Lions para mapaabot ang serye sa deci- ding fifth game na gagawin sa Huwebes.

Isang bagay na gagawin ng koponan ay ang limitahan ang kanilang errors matapos gumawa ng 29 sa Game One.

“We have to play smarter this time and limit our errors,” wika ng baguhang Red Lions coach na si Jamike Jarin.

vuukle comment

ACIRC

ALDIN AYO

ANG

ARELLANO BRAVES

GAME ONE

GAME TWO

JAMIKE JARIN

LARO NGAYON

LETRAN

LETRAN KNIGHTS

SAN BEDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with