^

PSN Palaro

Air Force lumapit sa semis sa Spikers' Turf

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi nangyari ang inakalang dikitang labanan sa hanay ng mga dating walang talong koponan nang kunin ng Air Force Airmen ang 25-21, 25-21, 25-18 panalo sa Navy Sailors sa Spikers’ Turf Reinforced Conference kagabi sa The Arena sa San Juan City.

Kontrolado ng Air Force ang attacks, 44-27 at serve, 4-1 at nakitaan pa ng magandang depensa sa 26-14 bentahe sa digs upang isulong sa tatlong dikit ang pag­papanalo sa ligang inorganisa ng Sports Vision at handog ng PLDT Home Ultera.

Si Rodolfo Labrador ay mayrong 12 kills tungo sa 14 puntos at may limang digs pa.

Si Jeffrey Malabanan ay may pitong puntos tulad ni Nino Jeruz at may limang digs pa habang si Jessie Lopez ay mayroong 16 excellent sets para ilapit ng Airmen ang sarili sa puwesto sa semifinals.

 

AIR FORCE

AIR FORCE AIRMEN

HOME ULTERA

JESSIE LOPEZ

NAVY SAILORS

NINO JERUZ

SAN JUAN CITY

SI JEFFREY MALABANAN

SI RODOLFO LABRADOR

SPORTS VISION

TURF REINFORCED CONFERENCE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with