Kung mananalo kay Jean Crawford balak isunod si Pacquiao
RCadayona (Pilipino Star Ngayon) - October 24, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Nakatakdang itaya ngayon ni Terence Crawford ang kanyang hawak na World Boxing Organization super lightweight crown laban kay Dierry Jean sa Century Link Center sa Omaha, Nebraska.

Aminado si Crawford na hindi lamang ang matagum­pay na pagdedepensa ng kanyang titulo ang nasa isip niya kundi ang posibleng banggaan nila ni Manny Pacquiao.

“I’m ready for Manny. I’m ready for whatever lies in my future,”  sabi ni Crawford  (26-0-0, 18 KOs) kay Pacquiao (57-6-2, 38 KOs).

Ang sinumang nakakatapat ng Filipino world eight-division champion ay sumisikat at tumatanggap ng ma­laking premyo.

“That will be a big fight. It’s a fight we want, a fight we look forward to take my career to the next level and beco­ming a pay-per-view attraction. That’s the fight we need right now. I think I just need to win Saturday, just fight my fight,” wika ni Crawford.

Nauna nang sinabi ni Bob Arum ng Top Rank Promotions na kung maganda ang magiging resulta ng ttitle defense ng 28-anyos na si Crawford kay Jean (29-1-0, 20 KOs) ay ikukunsidera niya ito para labanan ang 36-anyos na si Pacquiao sa Abril ng 2016.

Sinabi ni Arum na dapat umakyat sa welterweight division si Crawford para labanan si Pacquiao.

ACIRC ANG BOB ARUM CENTURY LINK CENTER CRAWFORD DIERRY JEAN MANNY PACQUIAO PACQUIAO TERENCE CRAWFORD TOP RANK PROMOTIONS WORLD BOXING ORGANIZATION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with