Cignal, Sta. Elena babaklasin ang tanikala sa Spikers’ Turf
AT (Pilipino Star Ngayon) - October 23, 2015 - 10:00am

Laro Ngayon

(The Arena, San Juan City)

3 p.m.  Sta. Elena vs Cignal

5 p.m.  PLDT Home Ultera vs IEM

 

MANILA, Philippines – Maghihiwalay ng landas ngayon ang Cignal Tv Inc. HD Spikers at Sta. Elena habang mag-uuna­han ang PLDT Home Ultera Fast Hitters at IEM Volley Masters sa unang panalo sa Spikers’ Turf Reinforced Conference sa The Arena sa San Juan City.

Parehong may 1-1 karta ang Cignal at Sta. Elena at ang mananalo sa larong magsisimula sa ganap na alas-3 ng hapon ay sosolohin ang pangatlong puwesto sa anim na koponang liga na inorganisa ng Sports Vision at handog ng PLDT Home Ultera.

Galing sa magkaibang resulta sa huling  laro ang magkabilang koponan at inspiradong sasalang ang Sta. Elena matapos silatin ang PLDT, 25-22, 25-21, 14-25, 29-27, habang ang Cignal ay natalo sa Air Force Airmen, 22-25, 18-25, 25-20, 21-25.

Aasa si Sta. Elena coach Arnold Laniog na magpapatuloy ang magandang pagtutulungan ng mga ginagamit tulad ng nangyari sa huling laro na kung saan siyam na manlalaro ang pumuntos para makuha ang pangalawang dikit na panalo.

AIR FORCE AIRMEN ANG ARNOLD LANIOG CIGNAL CIGNAL TV INC ELENA HOME ULTERA HOME ULTERA FAST HITTERS LARO NGAYON SAN JUAN CITY SPORTS VISION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with