Pacquiao balik training sa Nobyembre o Disyembre
(Pilipino Star Ngayon) - October 12, 2015 - 10:23pm

MANILA, Philippines— Gumaganda na ang kalagayan ng kanang balikat ni Manny Pacquiao, kung saan inaasahang babalik na siya sa training sa susunod na buwan o sa Disyembre.

Sinabi ni Pacquiao na nasa 80-90 percent na ang kaniyang balikat na na-injure sa bakbakan nila ni Floyd Mayweather Jr. nitong Mayo.

Kahit hindi pa tiyak ang sagupaan nila ni Amir Khan sa Marso, unti-unti na ring magpapakondisyon si Pacquiao.

Hindi naman itinanggi ng eight-division champion na nais niyang magkaroon ng rematch kay Mayweather na nagpahayag na ng kaniyang pagreretiro.

"If you ask me, of course, I want a rematch. I heard that he retired already. If he really retired, then there's no rematch. But if not..."

Sa ngayon ay tinututukan ni Pacquiao ang kaniyang trabaho bilang kinatawan ng Saranggani, habang isinasaayos na rin niya ang kaniyang pagtakbo bilang senador sa 2016.

AMIR KHAN DISYEMBRE FLOYD MAYWEATHER JR. GUMAGANDA KAHIT MANNY PACQUIAO MARSO MAYWEATHER PACQUIAO SARANGGANI SINABI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with