UP Vs Navy sa V-league: Sta. Elena magde-debut kontra Navy sa S-Turf
ATan (Pilipino Star Ngayon) - October 9, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines - Ipapakita ng UP Lady Maroons ang pinalakas na puwersa habang gagawa ng marka ang Sta. Elena sa pagsisimula ngayon ng Shakey’s V-League at Spikers’ Turf Reinforced Conference sa The Arena sa San Juan City.

Unang sasalang ang Lady Maroons laban sa Navy Lady Sailors sa ganap na alas-12:45 ng hapon at nais na makauna sa hanay ng anim na koponan na magtatagisan sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.

Babalik ang mga mahuhusay na batang manla­laro tulad nina Maris Layug, Justine Dorog, Isa Molde at Diana Carlos pero titibay ang puwersa sa paglalaro ng mga beterana na sina Nicole Tiamzon at Kathy Bersola.

Ito ang unang pagsalang sa aksyon ni Bersola matapos ang ACL injury na nakuha sa UAAP noong nakaraang taon.

Samantala, aasintahin ng Sta. Elena ang unang panalo sa Spikers’ Turf laban sa Navy na magsisimula matapos ang pagkikita ng Airforce at IEM sa ganap na alas-3 ng hapon.

Baguhan man sa liga para sa kalalakihan ay hindi puwedeng biruin ang lakas ng Sta. Elena dahil pinagsama sa koponan ang mga mahuhusay na manlalaro sa collegiate leagues at beterano ng Spikers’ Turf sa hangaring makapagbigay ng magandang laban.

ANG DIANA CARLOS ELENA ISA MOLDE JUSTINE DOROG KATHY BERSOLA LADY MAROONS MARIS LAYUG NAVY LADY SAILORS NICOLE TIAMZON SAN JUAN CITY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with