Ladon haharap kay Blanc sa pagsisimula ng AIBA World meet
(Pilipino Star Ngayon) - October 6, 2015 - 10:00am

DOHA, Qatar - Inaasahang ibibgay nina Rogen La­don ng Bago City at Eumir Felix Marcial ng Zamboanga City ang kanilang makakaya para magkampeon sa 2015 AIBA World Boxing Championships dito sa Ali Bin Hamad Al Attiyah Arena.

Unang sasalang sa aksyon si Ladon sa pagsagupa kay Argentinian fighter Lenadro Blanc, isang beterano ng World Series of Boxing.

Si Blanc ay nauna nang binigo ni Filipino pug Mark Anthony Barriga sa naturang torneo noong nakaraang taon.

Hindi nakasali si Barriga sa Asian Men's Championships sa Bangkok, Thailand noong Setyembre dahil sa pi­napagaling pa niyang hand surgery.

Nakamit nina Ladon at Marcial ang karapatang makasali sa torneo matapos kumuha ng silver medal sa nakaraang Asian qualifiers.

Matapos si Ladon ay si Marcial naman ang aakyat sa boxing ring sa pagsagupa kay Said Mohamed Walid ng Egypt na nagbulsa ng tansong medalya sa nakaraang African qualifiers.

ACIRC ALI BIN HAMAD AL ATTIYAH ARENA ASIAN MEN BAGO CITY EUMIR FELIX MARCIAL LADON LENADRO BLANC MARCIAL MARK ANTHONY BARRIGA ROGEN LA SAID MOHAMED WALID
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with