PBAPC pararangalan ngayon ang individual achievers sa Season 40th
(Pilipino Star Ngayon) - September 15, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Babalikan ng Philippine Basketball Association (PBA) Press Corps sa huling pagkakataon ang nakaraang season sa pagpaparangal sa mga top individual achievers at personalidad sa Annual Awards Night ngayong gabi sa Century Park Hotel.

Ang 12 awardees ay maghahati sa limelight sa paggawad ng mga PBA scribes sa kanila ng rekognisyon matapos ang 40th season ng liga.

Ang honor roll list ay pangungunahan ni Leo Austria ng San Miguel na tatanggapin ang Virgilio ‘Baby’ Dalupan Coach of the Year trophy makaraang igiya ang Beermen sa dalawa sa tatlong conference championships.

Si Austria ang ika-12 coach na tatanggap ng nasa­bing award na ipinangalan sa legendary coach na tinawag nilang ‘The Maestro’.

Ito ang una niyang Coach of the Year trophy na unang ibinigay ng PBAPC noong 1993.

Ang formal affair na inihahandog ng Smart Sports ay magsisimnula sa alas-7 ng gabi at pamamahalaan nina Sev Sarmenta at Patricia Bermudez-Hizon bilang hosts.

Tatanggapin naman ni dating chairman at Talk ‘N Text alternate governor Patrick Gregorio ang Danny Floro Executive of the Year award na isinunod sa dating Crispa team owner.

Ang bagong league commissioner na si Chito Nar­vasa ang magiging special guest speaker sa event na dadaluhan din nina PBA President at CEO Chito Salud, chairman Robert Non ng San Miguel pati na ng mga governors at alternates ng PBA board.

ACIRC ANG ANNUAL AWARDS NIGHT CENTURY PARK HOTEL CHITO NAR CHITO SALUD COACH OF THE YEAR DALUPAN COACH OF THE YEAR DANNY FLORO EXECUTIVE OF THE YEAR LEO AUSTRIA SAN MIGUEL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with