^

PSN Palaro

Gumana si hontiveros gilas itinakas sa ot

Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

1 p.m.  Taipei B vs Japan

3 p.m.– Iran vs Spartak

5 p.m.  USA vs Philippines

7 p.m.  Wellington vs Taipei A
 

TAIPEI -- Ipinakita ng 37-anyos na si Dondon Hontiveros ang kanyang pagiging beterano matapos kumamada ng tatlong three-point shots sa overtime para igiya ang Gilas Pilipinas sa 92-88 panalo sa Wellington Saints ng New Zeland sa 37th William Jones Cup kahapon dito sa Xinzhuang Gymnasium.

Bumangon ang Natio­nals mula sa 16-point deficit sa third period bago kalusin ang Saints sa extra period para sa kanilang 4-2 record sa torneo.

Para makuha ang korona ay kailangang  walisin ng Gilas Pilipinas ang kanilang huling dalawang laro kasabay ng pagkatalo ng Iran (5-1) at host Chinese-Taipei (4-1).

Kung magkakaroon ng three-way tie ay idedetermina ang magkakampeon sa pamamagitan ng tiebreak system.

Itinala ng New Zealand ang 57-41 kalamangan bago pangunahan ni Jayson Castro ang ratsada ng Gilas Pilipinas para makalapit sa 70-72 agwat.

Naitabla ng Natio­nals ang iskor sa 78-78 matapos ang pagbibida nina Castro at  Asi Taulava para makapuwersa  ng overtime.

Nagsalpak naman si Hontiveros ng tatlong tres para sa 87-84 abante ng Gilas Pilipinas sa New Zealand.

Tuluyan nang tinapos ng Cebuano hotshot ang kanyang kabayanihan nang maipasok ang dalawang free throws sa natitirang pitong segundo.

Binanderahan ni Castro ang Nationals sa kanyang 22 points kasunod ang 21 ni Hontiveros, tig-11 nina Sonny Thoss at Calvin Abueva at 10 ni Taulava.

Gilas Pilipinas 92 - Castro 22, Hontiveros 21, Thoss 11, Abueva 11, Taulava 10, David 5, Norwood 3, Rosario 3, Pingris 2, Tautuaa 2, Ramos 2, Ganuelas-Rosser 0.

New Zealand 88 - David 31, Ruscoe 17, Devendorf 14, Turner 10, Newton 5, Ekenasio 5, Adams 4, Mills 2, Bloxham 0.

Quarterscores: 25-25; 32-42; 52-59; 78-78 (Reg); 92-88 (OT).

vuukle comment

ACIRC

ANG

ASI TAULAVA

CALVIN ABUEVA

DONDON HONTIVEROS

GILAS PILIPINAS

HONTIVEROS

JAYSON CASTRO

LARO NGAYON

NATIO

NEW ZEALAND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with