PBA coaches pinasiklaban ni Torres
RCadayona (Pilipino Star Ngayon) - August 20, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines - Inagaw ni slotman Norbert Torres ang spotlight sa mga hindi nakasamang sina Fil-Tongan Moala Tautuaa at National University star Jeth Troy Rosario.

Nagpasikat ang 6-foot-7 na si Torres nang kumolekta ng 5 points at 4 rebounds para tulungan ang Team G-Rain or Shine sa 13-6 panalo laban sa Team C-Kia sa championship game sa mini-tournament ng 2015 Gatorade PBA Draft Combine kahapon sa Gatorade Hoops Center sa Shaw Blvd.

“It makes me push myself more when it comes to big opportunities like this when you don’t have Mo and Troy here,” sabi ng dating sentro ng La Salle Archers kina Tautuaa at Rosario na kasama ng Gilas sa paglalaro sa Estonia.

Si Torres ay miyembro ng Gilas Cadets team ni coach Tab Baldwin na nag-uwi ng gintong medalya mula sa nakaraang 28th Southeast Asian Games sa Singapore.

Sa kanyang ipinakitang laro ay inaasahang tatapunan ng pansin si Torres sa darating na 2015 PBA Rookie Draft sa Linggo sa Robinson’s Place sa Ermita, Manila.

Hindi naman sumali sina rookie standouts Earl Scottie Thompson ng Perpetual, Garvo Lanete, Art dela Cruz at Baser Amer ng San Beda at Josan Nimes ng Mapua sa nasabing mini-tournament.

Nagtala rin si Joshua Cubillo ng markers at nagdagdag ng 2 boards para sa tagumpay ng Team G-Rain or Shine na hinawakan ni assistant coach Ricky Umayam.

BASER AMER DRAFT COMBINE EARL SCOTTIE THOMPSON FIL-TONGAN MOALA TAUTUAA GARVO LANETE GATORADE HOOPS CENTER GILAS CADETS JETH TROY ROSARIO JOSAN NIMES JOSHUA CUBILLO TEAM G-RAIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with