^

PSN Palaro

Run 4 Health Research may part 2

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Makakaasa na magkakaroon pa ng Run 4 Health Research sa susunod na taon matapos masiyahan ang Philippine Commission for Health Research and Development (PCHRD) sa mainit na pagtanggap ng mananakbo noong Linggo sa CCP Complex sa Pasay City.

Mismong si PCHRD executive director Dr. Jaime Montoya ang siyang nagtiyak nito sa harap ng mga mananakbo sa awarding ceremony.

“Malinaw na naiparating ng Run 4 Health Research ang aming mensahe na mabigyan pansin ang mga makabagong tuklas na ginagawa ng PCHRD para sa pangkalusugan. Dahil nakita natin ang magandang pagtugon sa proyektong ito, makakatiyak kayo na magkakaroon pa ng ganitong patakbo sa susu­nod na taon para hindi mawala ang interes sa pagsuporta sa mga ginagawa ng PCHRD,” wika ni Montoya.

Katulong ang Department of Science and Techno­logy (DOST) at Council of Health Research and Development. (COHRED), kinumisyon ng PCHRD ang serbisyo ng Streetwise Public Relation and Events Management sa pamumuno ni Kenneth Montegrande para gawin ang patakbo na siyang kickoff event sa Global Forum on Research and Innovation for Health mula Agosto 24 hanggang 27 sa Philippine International Convention Center (PICC).

ACIRC

ANG

COUNCIL OF HEALTH RESEARCH AND DEVELOPMENT

DEPARTMENT OF SCIENCE AND TECHNO

DR. JAIME MONTOYA

GLOBAL FORUM

HEALTH RESEARCH

HEALTH RESEARCH AND DEVELOPMENT

KENNETH MONTEGRANDE

PASAY CITY

PHILIPPINE COMMISSION

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with