_ngayon
^

Shakey’s V-League Season 12 Open Conference mapapanood worldwide sa GMA

(Pilipino Star Ngayon) - April 1, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Muling ihahatid ng GMA Network ang pinakamainit na aksyon mula sa Shakey’s V-League Season 12 Open Conference sa mga manonood sa loob at labas ng bansa.

Matapos ang contract signing noong Marso sa pagitan ng GMA Network at Sports Vision Management Group, mapapanood muli ang tapatan ng mga mahuhusay na volleyball teams sa GMA News TV, pati na rin sa ibang bansa sa pamamagitan ng GMA Life TV, ang ikalawang international channel ng GMA.

Ang signing ay pinangunahan nina GMA Network Chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon, Sports Vision Management Group Chairman Moying Martelino, at Sports Vision Management Group President Ricky Palou.

Mapapanood ang laban sa GMA News TV Channel 11 mula Lunes hanggang Huwebes ng 1:00PM, at Sabado hanggang Linggo ng 12:45 PM, pagkatapos ng Balitanghali Weekend. Live na mapapanood ang lahat ng laban tuwing Linggo habang ang mga laban mula Lunes hanggang Sabado ay ipalalabas ng delayed te­lecast basis.

Para sa airing schedule sa GMA Life TV, bumisita lamang sa www.gmanetwork.com/international/programguide.

ANG BALITANGHALI WEEKEND FELIPE L GMA LINGGO NETWORK CHAIRMAN OPEN CONFERENCE SABADO SPORTS VISION MANAGEMENT GROUP SPORTS VISION MANAGEMENT GROUP CHAIRMAN MOYING MARTELINO SPORTS VISION MANAGEMENT GROUP PRESIDENT RICKY PALOU
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with