^

PSN Palaro

SEAG-bound athletes bibigyan ng tamang food supplement

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Makatitiyak na tatanggap ng tamang suplemento ang mga atletang inihahanda para sa Singapore SEA Games.

Ayon kay POC president Jose Cojuangco Jr., ang mga manlalaro ay kinuhanan ng dugo ng isang malaking kumpan­ya na namamahagi ng bitamina at gamot para madetermina kung ano ang kulang para lumakas pa ang kanilang katawan.

“Hindi  ito tulad ng dati na binibigyan lamang natin ng magkakatulad na supplements ang ating mga atleta. Sumailalim sila sa blood test para malaman kung ano ang kulang sa kanila. If we are going to give them the right food, we have to give them the right supplements,” wika ni Cojuangco.

Sa ngayon ay may 100 atleta na sasalang sa individual events ang balak na kupkupin ng POC para matutukan ang kanilang pangangailangan tungo sa hangad na tagumpay sa Singapore.

Naunang binalak ng POC ang mangalaga ng 200 atleta pero kinaila­ngang bawasan ito dahil kulang ang pondo.

Kinausap na ng POC ang PSC para sa pagbibigay ng mga masusustansyang pagkain para sa mapipiling atleta ngunit hindi umano lumusot ito sa Commission of Audit (COA) dahil kasama na ang food allowance sa tinatanggap na financial support ng mga atleta mula sa Komisyon.

“Ang mahalaga ay may masimulan na tayo. Ang mga athletes na nasa team sports tulad ng volleyball, basketball at football ay may mga private sponsors naman kaya ang tututukan natin ay ang mga nasa individual sports,” ani pa ng POC officials.

Mahalaga ang magkaroon ng magandang resulta ang kampanya ng Pilipinas sa Singapore para makabangon mula sa pinakamasamang pagtatalos sa SEAG na ikapitong puwesto noong 2013 sa Myanmar  bitbit ang 29 ginto, 34 pilak at 38 bronze medals.

vuukle comment

AYON

COJUANGCO

COMMISSION OF AUDIT

JOSE COJUANGCO JR.

KINAUSAP

KOMISYON

MAHALAGA

PARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with