^

PSN Palaro

Palalakasin ang kampanya sa SEAG 2 US coaches sasanayin ang Pinoy tracksters

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dumating na sa bansa ang mga US coaches na sina Dick Beardsley at Bill Schnier para tumulong sa paghahanda sa mga national coaches para sa SEA Games sa Singapore.

Noong Huwebes dumating sina Beardsley at Schnier at dalawang araw matapos nito ay nakipagpulong na sa 12  national coaches para makakuha ng impormasyon na makakatulong sa planong paglatag ng programa para sa Pambansang atleta.

“These two American coaches are here upon the invitation of the Philippine Sports Commission (PSC) and we are making arrangements on how they can help,” wika ni PATAFA president Philip Ella Juico na nakasama sa pagpupulong na ginawa sa Astoria Plaza sa Ortigas Center.

Ang 58-anyos na si Beardsley na nasa Guiness dahil sa naitalang 13 sunod na pagtala ng personal best time sa marathon, ay naki­pag-usap sa 6-time local marathon champion na si Roy Vence habang si Schnier, na ang mga hinawakan sa US ay nakapaglaro sa Olympics at nanalo pa ng medalya, ay nakipagpulong kina Dario Darosas, Agustin Jarina, Odeon Artiaga, Ernie Candelaria, Jeoffrey Chua, Lerma Gabito, Joebert Delicano, Arnold Villarube, Nixon Mas at Emerson Obiena.

Tutulak din ang mga bisitang coaches sa Laguna para saksihan ang Philippine National Open Invitational meet mula Marso 19 hanggang 22.

Magbibigay sila ng mga rekomendasyon na makakatulong para mas magi­ging international standard ang susunod na international hosting ng PATAFA.

AGUSTIN JARINA

ARNOLD VILLARUBE

ASTORIA PLAZA

BEARDSLEY

BILL SCHNIER

DARIO DAROSAS

DICK BEARDSLEY

EMERSON OBIENA

ERNIE CANDELARIA

JEOFFREY CHUA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with