Torre, Barbosa may pag-asa pa
Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - March 15, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines – Pinatumba nina Grandmasters Eugene Torre at Oliver Barbosa ang kani-ka­nilang kalaban para makisosyo sa ikatlong puwesto sa eighth round ng Asian Zonals  3.3 Championship sa Ho Chi Minh, Vietnam kahapon.

Tinalo ng 65-anyos na si Torre si FIDE Master Le Tuan Minh sa marathon 95-move ng Bogo-Indian Defense.

Giniba naman ni Barbosa ang kababayang si GM Richard Bitoon sa 77 moves ng Trompovsky Opening para makisama sa four-way tie sa No. 3 sa magkakatulad na 5.5 points.

Ang mahalaga dito, nanatili sa kontensyon sina Torre at Barbosa para sa huling dalawang tiket sa World Cup na nakatakda sa Setyembre 10 hanggang Oktubre 4 sa Baku, Azerbaijan.

ASIAN ZONALS BARBOSA BOGO-INDIAN DEFENSE GRANDMASTERS EUGENE TORRE HO CHI MINH MASTER LE TUAN MINH OLIVER BARBOSA RICHARD BITOON TROMPOVSKY OPENING WORLD CUP
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with