^

PSN Palaro

Prima badminton tourney dinomina ng Alcala siblings

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagdomina ang magkapatid na sina Malvinne Ann at Mark Shelley Alcala sa katatapos na Smart-Prima Pasta Badminton Open Championship sa Powersmash Badminton courts sa Makati City.

Ang dating national player na si Poca ay na­nalo laban kay Bianca Ysa­belle Carlos ng Ateneo, 21-14, 9-21, 21-17, para kunin ang kampeonato sa women’s open singles sa kompetisyong inorganisa ni Alex Lim at may ayuda ng Smart at basbas ng Philippine Badminton Association.

Hindi nagpahuli si Mark Shelley na nakadalawang kampeonato sa magkai­bang age divisions.

Pinabagsak ng 17-an­yos na si Alcala si Ross Leenard Pedrosa, 21-26, 23-21, para manalo sa men’s open habang ginapi niya si Cayet Palarillo, 21-18, 21-17, tungo sa under-19 title.

Ang iba pang tumulong sa kompetisyon ay ang MVP Sports Foundation, Boysen Paints, Morning Star Milling, Mabz Builders, ILO Construction, Monolith Construction, Monocrete Construction, Pioneer Insu­rance, Promax, Regent Foods Corp., Vitwater, Unilever, Del Monte Fit N’ Right at Forthright Events.

ALEX LIM

BIANCA YSA

BOYSEN PAINTS

CAYET PALARILLO

DEL MONTE FIT N

FORTHRIGHT EVENTS

MABZ BUILDERS

MAKATI CITY

MALVINNE ANN

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with