^

PSN Palaro

2 doubles pair nais ipadala ng PBA sa SEAG

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Itinutulak ng Philippine Badminton Association (PBA) na maisama sa Pam­bansang koponan na maglalaro sa SEA Games sa Singapore ang dala­wang pares sa men’s doubles.

Sina Paul Jefferson Vivas, Peter Gabriel Magnaye, Philip Joper Escueta at Ronel Estanislao ang mga manlalarong gustong dalhin sa SEA Games para makakuha pa ng karanasan at mas gumaling bilang paghahanda sa malalaking kompetisyon sa hinaharap.

Sina Vivas at Magnaye ay gumawa ng marka noong nakaraang taon nang nakuha nila ang titulo sa Swiss Open.

Ipinaliwanag ni foreign coach Paulus Firman na mahihirapan ang Pilipinas na manalo ng medalya dahil nasa rehiyon ang mga world champions sa badminton.

Pero dapat na may isama sa delegasyon para magpatuloy ang magandang resulta na unti-unting nakukuha ng koponan.

Ipinasa na ng Philippine Badminton Association (PBA) ang pangalan ng apat na manlalarong ito sa management committee na ginagawa na ang listahan mula sa iba’t ibang NSAs at ipapasa sa POC Executive Board na magpupulong sa Lunes. (AT)

EXECUTIVE BOARD

PAULUS FIRMAN

PETER GABRIEL MAGNAYE

PHILIP JOPER ESCUETA

PHILIPPINE BADMINTON ASSOCIATION

RONEL ESTANISLAO

SINA PAUL JEFFERSON VIVAS

SINA VIVAS

SWISS OPEN

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with