Phl Cuppers, Sri Lanka sasalang na sa aksyon
Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - March 6, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines - Magkakaroon ng pagkakataon si Patrick John Tierro na maipaghiganti ang pagkatalong nalasap kay Harshana Godmanna sa pagbubukas ng 2015 Davis Cup Asia-Oceania Zone Group II opening tie ngayong hapon sa Valle Verde Country Club sa Pasig City.

Ang Pilipinas at Sri Lanka ang magkikita sa unang yugto ng kompetisyon at ang susunod na laro ay sa pagitan nina Fil-Am Ruben Gonzales laban sa 19-anyos na si Sharmal Dissnayake.

Ang doubles ay gagawin bukas mula alas-3 ng hapon at sina Gonzales at Francis Casey Alcantara ang magtutulong para sagupain sina Godmanna at Dissnayake.

Ang reversed doubles ay sa Linggo gaganapin mula alas-3 ng hapon at ang unang laro ay sina Gonzales at Godmanna bago sundan ng laban nina Tierro at Dissna­yake.

Puwede namang magpalit ng players isang oras bago ang takdang laro.

“Mas may confidence na ako ngayon,” wika ni Tierro na handang ipaghiganti ang 3-6, 7-6(8), 6-4, 2-6,3-6, pagkatalo noong nakaraang taon na ginawa sa Sri Lanka.

Pangunahing sasandalan ng home team ay ang suporta ng mga manonood para umabante sa second round.

Ito na ang lalabas na ikasiyam na pagkikita ng dalawang bansa at nais ng host team na ipreserba ang malinis na karta laban sa Sri Lanka (8-0). (AT)

ANG PILIPINAS DAVIS CUP ASIA-OCEANIA ZONE GROUP FIL-AM RUBEN GONZALES FRANCIS CASEY ALCANTARA GODMANNA GONZALES HARSHANA GODMANNA PASIG CITY PATRICK JOHN TIERRO SRI LANKA
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with