^

PSN Palaro

Smart Prima Pasta Badminton Championships: Lamigo, Pamorada hinataw ang double’s crown

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagtala ng magandang panimula sina Alyeska Lamigo at May Pamorada nang ibulsa ang women’s doubles B title sa pagbubukas ng  Smart Prima Pasta Badminton Championships nitong nagdaang linggo sa Powersmash Badminton Courts sa Pasong Tamo, Makati City.

Tinalo nina Lamigo ng Team Prima at Pamorada ng PLDT Babolat sina Steffie Aquino at Maria Kristinne Gaspar ng UST, 21-16, 22-20, para magkampeon sa kompetisyong inorganisa ni Team Prima chairman Alexander Lim katuwang ang Smart na kung saan ang chairman na si Manny V. Pangilinan ay mahilig sa badminton at chairman din ng Philippine Badminton Association (PBA).

Nagkampeon naman sa kalalakihan sina Alex Borromeo at Mike Minuluan ng pabagsakin sina John Bergantin at Jerome Pechera, 22-20, 21-15.

Ang iba pang nagkampeon ay sina Abby Aganon at Camille Malbog sa wo­men’s doubles F, Borro­meo at Alem Palmares sa men’s doubles B, Jean Lucas at Lanie Reyes sa women’s D, Hanzel Andre Endriga at Yoedie Hendriyanto sa men’s F at King Espiritu at Emil Tausa sa men’s D.

Nasa 2000 manlalaro ang magtatagisan sa kompetisyon na katatampukan din ng aksyon sa iba’t-ibang dibisyon at sumusuporta rin ang Babolat,MVP Sports Foundation, Boysen Paints, Morning Star Mil­ling, Mabz Builders, ILO Construction, Monolith Construction at  Monocrete Construction .

ABBY AGANON

ALEM PALMARES

ALEX BORROMEO

ALEXANDER LIM

ALYESKA LAMIGO

BABOLAT

BOYSEN PAINTS

CAMILLE MALBOG

EMIL TAUSA

TEAM PRIMA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with